Naagaw ng mga Larawang Ito Ang Atensyon ng Mga Netizen Dahil sa Kakaibang Proteksyon Nila Laban sa COVID

Simula ng lumaganap ng COVID-19  marami ang nabahala para sakanilang mga kalusugan at natatakot na lumabas dahil baka makasagap ng sakit. Kaya naman marami ang naglabasang mga palatuntunin na dapat sundin sa tuwing lalabas sa mga pampublikong lugar upang manatiling ligtas at makaiwas sa sakit sa pamamagitan ng simpleng pagiingat, tulad ng pisikal na distansya, pagiwas sa madla, paghuhugas ng kamay at pagsususot ng “Facemask at Faceshield”.

Ngunit agaw pansin ngayon sa Social media ang naglabasang litrato ng isang kakaibang proteksyon na mala Astronaut ayon sa mga netizens at umani ito ng samu’t saring reaksyon.

Tinatawag itong Powered Air Purifying Respirator (PAPR). Ang PAPR ay ipinapakilala bilang na-upgrade na PPE. Binubuo ito ng isang respirator na mayroong baterya na naglilinis sa hangin sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga maruming hangin at hangin na may dalang virus. Ayon sa SIKHNET ang kagamitan na ito ay tinatakpan ang buong mukha hanggang sa balikat. Ito ay mas komportableng isuot dahil meron itong malamig na hangin sa ibabaw ng mukha. Mas natatakpan ng buo ang nagsusuot na may mga balbas na pinahihintulutan naman ng mga eksperto para sa mga serbisyong medikal na patuloy na magtrabaho sa panahon ng pandemya habang pinapanatili ang kanilang hindi mabunot na buhok.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa naturang post na talaga naman umani ng iba’t ibang reaksyon: